Rape threats sa mga babae sa Marawi, “fake news” lang – Lorenzana

By Kabie Aenlle June 30, 2017 - 04:28 AM

 

Handa si Defense Sec. Delfin Lorenzana na parusahan ang sinumang lumalabag sa mga karapatang pantao kahit pa sundalo ang mga ito.

Ayon kay Lorenzana, ang alegasyon ng Gabriela partylist na tinatakot umano ng mga sundalo ang mga kababaihan sa Marawi City na sila ay gagahasain, ay isang seryosong isyu.

Hindi aniya niya ito babalewalain, kung ginawa lamang ito ng Gabriela sa tamang paraan tulad ng direktang paglapit sa kanila at maghain ng mga kaso, at hindi tulad ng agad na lang nilang pagpunta sa media.

Ani pa Lorenzana, kung totoo man talaga ang mga ito ay gagawin niya ang lahat upang mapanagot ang mga may sala.

Pero iginiit ng kalihim na “fake news” lang ang alegasyon ng Gabriela na ginawa para hanapan lang ng butas ang mga sundalong nasa Marawi.

Ngunit pumalag ang partylist sa pahayag na ito ni Lorenzana at sinabing mismong si Gabriela Rep. Arlene Brosas ang nakarinig ng mga sumbong mula sa mga kababaihan sa Marawi.

Ayon sa Gabriela, sa punto pa lamang na may nagsumbong na tungkol sa mga rape threats umano ng mga sundalo, dapat nang ikaalarma.

Ito anila ay lalo pa’t mayroon nang record ang Armed Forces of the Philippines sa pang-aabuso ng mga kababaihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.