Quedancor, inabolish na ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle June 30, 2017 - 04:23 AM

 

Matapos ang limang taong palugi na operasyon, iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang government-owned and controlled corporation (GOCC) na Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation (Quedancor).

Sa ngalan ng pangulo, inilabas na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 13 para sa pag-abolish sa naturang kumpanya.

Nakasaad sa nasabing memorandum na simula ngayon ay legal nang pinagbabawalan ang Quedancor na ipagpatuloy pa ang kanilang “guarantee function.”

Bukod dito, sinabi rin sa memorandum na “dormant or nonoperational” na ang Quedancor at overlapping na rin ang ginagawa nito sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Itinayo ang Quedancor noong 1978.

Mabibigyan naman ng separation benefits ang mga emplayado at opisyal ng naturang GOCC na kukwentahin base sa tagal ng kanilang naging serbisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.