Binubuo na ng gobyerno ang isang ‘masterplan’ upang muling maitayo ang Marawi City sa oras na matapos na ang gulo sa lungsod.
Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na maisakatuparan ang mga proyekto para sa Marawi kaya’t ngayong pa lamang ay pinaplano na nila ito.
Nais rin aniya ng pamahalaan na iwasan ang mga pagkakamali noong 2013 sa Eastern Visayas nang tamaan ito ng Supertyphoon Yolanda.
Sa ngayon aniya, bahagi ng pondo ng DPWH na umaabot sa P428.4 bilyon ang gagamitin para sa rehabilitasyon ng lungsod.
Ang pondo ngayon ng DPWH ay ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES