Duterte, malaki pa rin ang pasasalamat sa bilyonaryong si Huang Rulun

By Kabie Aenlle June 30, 2017 - 04:27 AM

 

Nananatiling malaki ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Chinese billionaire na si Huang Rulun dahil sa donasyon nitong drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.

Gayunman, sinabi ni Duterte na hindi siya makikialam o magkokomento sa mga domestic affairs ng China lalo na tungkol sa isang taong nagpakita ng kabaitan sa Pilipinas.

Ani Duterte, walang anumang hininging kapalit si Huang nang i-donate nito ang naturang malaking pasilidad.

Dagdag pa ng pangulo, nais lang talagang tumulong ng bilyonaryo sa kaniyang kapwa at nagpapasalamatsiya dito.

Una nang iniulat ng Financial Times na iniimbestigahan ngayon ng pamahalaan ng China ang mga alegasyon ng panunuhol na kinasasangkutan ni Huang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.