3,765 na pangalan, nasa narco-list ng Pangulo

By Chona Yu June 30, 2017 - 04:27 AM

 

Aabot sa 3,765 na pangalan ang kasama sa narco-list na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa talaan na nakuha ng Radyo Inquirer, sa naturang bilang, 403 ang nakatalaga sa Philippine National Police.

Ayon sa isang opisyal ng PNP na tumangging magpabanggit ng pangalan, labing apat sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga ang napatay na.

Nasa 222 ang aktibo pa sa serbisyo habang 44 ang Absent Without Official Leave o AWOL.

Nasa 37 naman ang nagretitro na sa serbisyo habang nasa 29 na ang na-dismiss.

Tatlo sa mga pulis ang nakakulong habang dalawa ang nasuspinde.

Isa ang itinuturing na Missing in Action habang apat naman sa mga pulis ang malapit nang magretiro.

Aabot naman sa tatlumpot walong pangalan na pulis ang walang record o maaring nagpapakilala lamang na mga pulis habang pito ang walang eksaktong pangalan.

Limang pangalan naman na kasama sa narco-list ang nagsisilbing ninja cops assets habang tatlong pangalan ang nadoble ang entry.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, na inaaksyunan na ito ng PNP at nagsasagawa na ng case build uplaban sa 403 na police personnel.

Gayunman, sa ngayon, sinabi ni Carlos na tanging ang mga aktibong pulis lamang ang maaring maaksyunan ng PNP.

Matatandaang makailang beses nang iwinawagaygay ni Pangulong Duterte sa mga public engagement ang listahan ng narco list kung saan ilang pulitiko, hukom, at mga pulis ang sangkot umano sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.