Balik-operasyon na rin ang gaming operations ng Resorts World.
Ayon sa PAGCOR, nasunod naman ng naturang hotel-casino ang mga security at safety improvements na pinagawa nila.
Ang mga ito ay ang pagkakaroon ng bagong security agency at mas maayos na safety at security systems, pagdaragdag ng x-ray machines at metal detectors sa pasilidad.
Pagkakaroon ng mga armadong gwardya sa loob ng Resorts World, patuloy na review at pagsasaayos ng security protocol para sa iba’t ibang emergency cases, dagdag na security seminar para sa mga empleyado.
Pagkakaroon ng propesyunal na structural engineers na titingin sa structural integrity ng gusali, at pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Certificate mula sa PEZA.
Kasama rin sa naging konsiderasyon ng PAGCOR para muling payagan ang gaming operations ng Resorts World ang 6,000 empleyado ng kumpanya at 14 milyong revenue na hindi nakukuha ng RWM dahil sa kanilang tigil operasyon.