Resorts World, balik-operasyon na

By Justinne Punsalang June 30, 2017 - 04:24 AM

 

Halos isang buwan matapos ang pamamaril at panununog sa Resorts World na ikinamatay ng 38 katao, tinanggal na ng PAGCOR ang suspension order sa naturang hotel-casino.

Balik-operasyon na rin ang gaming operations ng Resorts World.

Ayon sa PAGCOR, nasunod naman ng naturang hotel-casino ang mga security at safety improvements na pinagawa nila.
Ang mga ito ay ang pagkakaroon ng bagong security agency at mas maayos na safety at security systems, pagdaragdag ng x-ray machines at metal detectors sa pasilidad.

Pagkakaroon ng mga armadong gwardya sa loob ng Resorts World, patuloy na review at pagsasaayos ng security protocol para sa iba’t ibang emergency cases, dagdag na security seminar para sa mga empleyado.

Pagkakaroon ng propesyunal na structural engineers na titingin sa structural integrity ng gusali, at pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Certificate mula sa PEZA.

Kasama rin sa naging konsiderasyon ng PAGCOR para muling payagan ang gaming operations ng Resorts World ang 6,000 empleyado ng kumpanya at 14 milyong revenue na hindi nakukuha ng RWM dahil sa kanilang tigil operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.