DPWH: Sablay na Yolanda rehab plan hindi mauulit sa Marawi City

By Angellic Jordan June 29, 2017 - 05:12 PM

Inquirer file photo

Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na mas maayos at mas mabilis ang isasagawang rehabilitasyon sa Marawi City kumpara sa operasyon nang tumama ang bagyong Yolanda sa Visayas.

Sa Palace briefing, inihayag ni Public Works Secretary Mark Villar ang pagkadismaya sa mga palpak na nagawa sa Tacloban City at hindi na aniya ito mauulit.

Dagdag pa ng kalihim, buo na ang master plan para sa rehabilitasyon sa lungsod.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang ahensya sa ARMM upang mas mapadali ang implementasyon ng operasyon.

Tiniyak rin aniya ng gobyerno na mauna ang mga pangkaraniwang pangangailangan ng mga evacuees o bakwit tulad ng tubig at kuryente.

Samantala, aabot sa P20 bilyon ang ilalaan ng gobyerno para sa Marawi rehabilitation.

TAGS: DPWH, Marawi City, rehab plan, Villar, yolanda, DPWH, Marawi City, rehab plan, Villar, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.