Iligan City sinuyod ng militar sa paghahanap ng mga Maute group members

Inquirer file photo

Hindi nagbakasakali ang mga otoridad at nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ng pagbabahay-bahay sa Iligan City para masiguradong walang nakapuslit sa nasabing lungsod na mga terorista.

Sa house-to-house search na ginawa ay hiningan ang bawat residente ng kani-kanilang I.Ds habang ang mga bakwit mula Marawi City ay isinailalim sa profiling.

Naintindihan naman ng mga residente at mga bakwit ang pagbabahay-bahay.

Anila, mabuti na ang masusing pag-check sa kanilang hanay kesa naman magulantang sila na mayroon na palang terorista sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa ng mga otoridad ang mga report na mayroong mga sympathizers ng Maute group sa loob ng Iligan City na kumakanlong sa mga terorista.

Patuloy pa ring umiiral ang curfew sa Iligan City ngunit inurong na ito sa alas-dyes ng gabi para sa mga menor-de-edad at alas-onse naman ng gabi para sa mga matatanda.

Read more...