Pangulong Duterte, ayaw i-assess ang sarili sa kaniyang unang anibersaryo sa pwesto

By Isa Avendaño-Umali June 29, 2017 - 12:55 PM

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng self-assessment para sa kanyang unang taon bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa June 30, 2017 ang first anniversary ni Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Duterte, gagawa lamang daw siya ng assessment pagkatapos ng kanyang termino bilang pangulo.

Paliwanag nito, hindi ngayon ang tamang panahon para magbigay ng grado sa kanyang naging trabaho sa nakalipas na labing dalawang buwan.

Aminado si Duterte na sa unang taon ay mistulang roller coaster ang pagganap niya bilang presidente.

Kaya kung maglalabas siya ng assessment, ito ay sa pagtatapos aniya ng kanyang ‘ride.’

Sakali namang hindi siya makapagbigay ng assessment kung may mangyari man sa kanya, bahala na raw ang mga tao na mag-grado, pero sana’y patas daw.

 

 

 

 

TAGS: assessement, first anniversary, Malacanan, malacanang 4Ps, Rodrigo Duterte, SONA, assessement, first anniversary, Malacanan, malacanang 4Ps, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.