Ayon sa PAGASA, monsoon trough ang umiiral na weather system sa Mindanao at naghahatid ng malakas na pag-ulan sa rehiyon.
Sa abiso ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa bayan ng Bunawan at Trento sa Agusan del Sur; Tagum City, Samal City, Maco, Mawab at Nabunturan sa Davao del Norte; Davao City, Toril, Digos City, Matanaw, Kiblawan, Padada at Sulop sa Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Tulunan at Kidapawan sa NorthCotabato; Afus, SouthCotabato at ang lalawigan ng Davao Oriental.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa nasabing mga lugar lalo na sa low-lying areas at sa mga naninirahan sa palibot ng ilog.