Suspek sa masaker sa Bulacan, hindi tiyak kung may iba siyang kasama sa ginawang krimen

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas June 29, 2017 - 10:55 AM

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

Hindi pa makapagbigay ng katiyakan ang suspek sa masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan kung mag-isa niyang ginawa ang krimen o may kasama siyang ibang suspek.

Ayon kay Chief Supt. Aaron Aquino, director ng Police Regional Office – 3, nang tanungin niya ang suspek na si Carmelino Ibañes kung mayroon siyang iba pang kasabwat ay sinabi nitong “parang siya lang ang pumatay”.

Hinikayat pa umano ni Aquino si Ibañes na ituro ang ibang kasamahan upang hindi lang siya ang solong managot sa krimen.

“Hindi niya maalala kung may kasama siya sa crime. Ang sinabi niya (suspek), sir, mukhang ako lang ang nandoon ako ang nag-commit ng crime,” ayon kay Aquino.

Sa kabila nito, sinabi ni Aquino na kahit naaresto na si Ibañes ay hindi matatapos ang kanilang imbestigasyon upang matukoy kung mayroon pa ba itong kasabwat.

Susuriin aniya ang mga buhok, kuko at iba pang ebidensya na nakuha sa crime scene upang matukoy kung may iba pang suspek.

Mayroon din kasing testigo na nagsabing mayroon siyang nasalubong na limang lalaking lasing noong oras at araw na nangyari ang masaker.

Noong gabi ng July 28 naaresto si Ibañes na hinikayat mismo ng kaniyang ina at mga kapatid na magsabi ng totoo at ilahad ang kaniyang ginawa.

 

 

 

TAGS: Bulacan, crime, massacre, Radyo Inquirer, san jose del monte, Bulacan, crime, massacre, Radyo Inquirer, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.