Suspek sa masaker sa Bulacan, umamin na

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2017 - 08:15 AM

PDI Photo | Edwin Bacasmas

(UPDATE) Umamin na ang isa sa mga suspek sa masaker na naganap sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang suspek na si Carmelino Ibañes, 26 anyos at isang construction worker ang nagsabing nagawa niya at dalawang iba pa ang krimen dahil may galit umano sila sa pamilya Carlos.

Ayon kay Ibañes, nag-ugat ang galit dahil sa tubig na pinagdadamot umano sa kanila ng biktimang si Estrella Carlos.

Inamin ng suspek na siya at dalawang iba pang suspek ay gumamit ng shabu, uminom ng gin at saka uminom ng beer bago ginawa ang krimen.

Hawak na ngayon ng San Jose Del Monte Police si Ibañes.

Ayon kay Dexter Carlos, asawa ni Estrella, nakakutob na siya na ang mga nakikiigib sa kanila ang posibleng gumawa ng krimen.

Sinabihan na rin umano niya noon si Estrella na bumili na lang ng hose para hindi na kailangang pumasok ng mga nakikiigib sa kanilang compound.

 

TAGS: crime, inquirer, massacre, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan, crime, inquirer, massacre, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.