DOT, iginiit na hindi pa nila inaaprubahan ang proyektong theme park sa Palawan

By Kabie Aenlle June 29, 2017 - 04:02 AM

 

Mariing itinanggi ng Department of Tourism (DOT) na inaprubahan na nila ang pagtatayo ng isang malaking theme park sa Palawan.

Matatandaang maraming environmental groups ang bumatikos sa plano ng Nickelodeon na magtayo ng isang theme park sa Coron, Palawan dahil posible nitong masira ang kalikasan sa lugar.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Teo, dapat malaman muna ng gobyerno kung kayang tiyakin ng mga project proponents na hindi nila masisira ang kalikasan at na talagang malaki ang maitutulong nito sa mga taga-Palawan.

Ani Teo, ang mga ahensya ng gobyerno na sisiyasat at tutukoy nito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang lokal na pamahalaan ng Palawan.

Ipinahayag ito ni Teo matapos siyang banatan ng Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources Inc. dahil sa umano’y “public support” na ipinapakita ng kalihim sa naturang proyekto.

Gayunman iginiit ni Teo na ang kaniyang positibong tugon sa naturang plano ay bahagi lamang ng kaniyang trabaho na hikayatin ang mga investments sa bansa.

Naniniwala rin si Teo na dapat mapanatili ng mga bago at matagal nang tourists spots ang natural beauty ng mga ito na siyang dahilan kung bakit dinarayo ang mga ito ng mga turista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.