Ayon sa senador, hindi praktikal sa ngayon na magsabi kung kelan maaaring matapos ang bakbakan sa Marawi City.
Ginawa ni Honasan ang pahayag matapos sabihin ng DND at AFP na inaasahan nilang matatapos na ang Marawi crisis bago ang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.
Paliwanag ng senador, mahirap matantiya kung kelan matatapos ang problema sa Maute group lalo pat itinuturing ito na teroristang grupo na walang malinaw na physical boundaries o front lines.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Honasan na kumplikado kung paano matutugunan at mareresolba ang matitinding karahasang ginagawa ng Maute terror group.