Duterte, todo-pasasalamat sa tulong ng China

By Isa Avendaño-Umali June 29, 2017 - 04:27 AM

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa pagbibigay ng mga donasyon para sa Pilipinas, lalo na para sa pagsugpo sa terorismo.

Sa kanyang talumpati sa Clark Airbase sa Pampanga para sa turnover ceremony ng military assistance ng China sa Pilipinas,sinabi ni Duterte na nagpapasalamat siya kay China President Xi Jin Ping.

Ayon sa Pangulo, ang naturang military assistance ay isang sign of goodwill ng China kaya niya ito tinanggap.

Inamin ng Pangulo na sa naging ikalawang biyahe niya sa China hiningi niya ang tulong ng naturang bansa para sa mga bagong armas na magagamit kontra terorismo.

Sa naunang speech naman ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua, inanunsyo nito na mayroong 5 million pesos na donasyon ang China para sa pamilya ng mga sundalo nasawi at nasugatan sa krisis sa Marawi City.

Bukod pa ito sa 15 million pesos na donasyon para sa Marawi rehabilitation, at mga matataas na kalibre ng armas, at mayroon pa raw na parating sa susunod na buwan.

Personal na tinanggap ni Duterte ang unang batch ng mga baril, na kanyang sinipat pa mismo.

Kabilang sa naturang mga baril ang 3,000 units ng assault riffle kasama ang 5-Million bala nito at 90 units ng Sniper riffle at 500,000 bala na ipinagkaloob ng China sa Pilipinas ng libre bilang bahagi ng tinatawag nitong urgent military assistance gratis to the Philippines.

Nagkakahalaga ang naturang military assistance ng P50 Million Yuan o tinatayang nasa P370 Million.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.