Evardone: 2-day number coding “anti-poor”

Inquirer photo

Tinawag na anti-poor ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang panukala ni MMDA Chairman Danny Lim na two-day number coding sa Metro Manila.

Ayon kay Evardone, papabor lamang sa mga mayayaman ang nasabing panukala dahil maari ang mga itong bumili ng bagong sasakyan na lalo lamang makapagpapalala ng problema sa trapiko.

Kabaligtaran naman anya ito para sa mga wala namang kakayahan na bumili ng bagong sasakyan ay magiging hindi produktibo dahil sa palpak na mass transport system.

Sa halip anya na magkaroon ng two-day number coding maari naman ayon kay Evardone ay gumawa short-term measure para mapaluwag ang trapiko tulad ng paglilinis ng sidewalks at mga obstruction na humaharang sa trapiko.

Bukod dito, kailangan din anyang disiplinahin ang mga drivers at commuters gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng traffic laws and regulations.

Read more...