Dating Sen. Bongbong Marcos balak kasuhan ng Kamara

By Erwin Aguilon June 28, 2017 - 04:51 PM

Inquirer photo

Pinag-aaralan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang posibilidad na pagsasampa ng kaso laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos nitong payuhan ang kapatid na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na huwag nang dumalo sa pagdinig ng Kamara.

Ayon kay Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel, kakausapin muna niya ang mga miyembro ng komite kaugnay sa kasong posibleng isampa laban sa dating mambabatas.

Sinabi ni Pimentel na may matibay silang ebidensya laban kay Bongbong Marcos dahil inihayag ito ni Gov. Imee na lumabas naman sa iba’t-ibang media organizations at maging sa social media.

Inihalintulad pa ito ni Pimentel sa nangyari sa driver/body guard/lover ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan na pinayuhan ng senadora na huwag dumalo sa hearing ng Committee on Justice sa Kamara sa pamamagitan ng text message na ipinadala sa anak nito.

Umapela naman si Pimentel kay Gov. Marcos na dumalo na sa pagdinig at ilahad ang katotohanan upang patunayan ang pagiging inosente nito sa sinasabing maanomalyang pagbili ng mga sasakyan ng probinsya gamit ang pera sa tobacco excise tax.

Itinakda ng komite sa kamara ang sunod na pagdinig sa Hulyo 25 ng kasalukuyang taon.

TAGS: farinas, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Pimentel, tobacco excise tax, farinas, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Pimentel, tobacco excise tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.