Pwersa ng Abu Sayyaf minaliit ng AFP

Inquirer photo

Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines o AFP na wala nang kapasidad na makapagsagawa ng panibagong pag-atake o panggugulo ang Abu Sayaff leader at isa sa most wanted terrorists na si Isnilon Hapilon.

Sa Mindanao Hour briefing, sinabi ni AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla na naniniwala ang militar na hindi na kaya ni Isnilon na makapaghasik ng panibagong gulo gaya ng ginawang pagsalakay ng kanyang grupo sa Marawi City.

Paliwanag ni Padilla, malaki ang epekto sa hanay ni Hapilon ang mahigit isang buwang bakbakan sa lungsod.

Sa katunayan aniya, mula nang sumiklab ang krisis sa Marawi City ay umabot na sa 299 ang mga teroristang napatay.

Dagdag ni Padilla, sakaling totoo ang ulat na lumabas na si Hapilon mula sa Marawi City, tiyak na mapipilayan ang Maute terror group lalo’t iniwan sila sa ere sa kasagsagan ng labanan.

Read more...