Land Bank magkakaroon ng service disruptions sa ilang online transactions

By Justinne Punsalang June 28, 2017 - 04:15 PM

Inquirer photo

Makararanas ang mga customers ng Land Bank ng service disruptions kung gagamit sila ng Land Bank debit card, ATM, cash deposit machine, at e-banking.

Ayon sa Facebook post ng Land Bank, ang nasabing service disruptions ay dahil sa system upgrade na kanilang isinasagawa kaugnay ng mandato ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kailangang maging chip-based na ang mga debit at credit card ng mga cardholder ng lahat ng bangko sa bansa.

Pero tiniyak ng Land Bank na secured at intact ang mga laman ng bank accounts ng kanilang mga customers.

Binigyan ng BSP ang mga bangko ng hanggang June 30 sa susunod na taong 2018 para gawing chip-based ang kanilang mga debit at credit card.

Ayon sa BSP, mas mapapanatili ang kaligtasan ng mga bank account kung chip ang gagamitin sa mga card, kaysa magnetic stripe.

Kamakailan lang ay nagkaroon rin ng service interruptions ang ilang mga bangko sa bansa tulad ng BPI, BDO at Security Banks dahil naman sa ilang mga kadahilanan.

TAGS: banko sentral ng pilipinas, land bank, online, service disruption, banko sentral ng pilipinas, land bank, online, service disruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.