MMDA, nagpaliwanag sa 2-day number coding scheme

By Justinne Punsalang June 28, 2017 - 12:23 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Ipinaliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magiging proseso sakaling maipatupad ang 2-day number coding scheme sa Metro Manila.

Sakaling maipapatupad, ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay hindi pwedeng bumiyahe kapag Lunes, habang ang mga nagtatapos sa 5, 6, 7, at 8 ay bawal kapag Martes.

Miyerkules naman bawal sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga sasakyang nagtatapos sa 9, 0, 1, at 2 at muling hindi magagamit ang mga may plate number na nagtatapos sa 3, 4, 5, at 6 kapag Huwebes.

Ang mga may plate number na nagtatapos naman sa 7, 8, 9, at 0 ay hindi muli pwedeng gamitin kapag Biyernes.

Paglilinaw ni MMDA Chairman Danilo Lim, ang mga nabanggit na araw ay pawang rekumendasyon pa lamang at hindi pa ito pinal na ipatutupad.

Wala pa aniyang dahilan para mag-panic ang mga motorista.

Ayon kay Lim, inaasahan nilang mababawasan ng 25 porsyento ang dami ng mga sasakyan sa Metro Manila kung sakaling maipapatupad ang 2-day number coding scheme.

Ayon naman kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, para naman maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing rekomendasyon, kailangan aniya ng pakikipagtulungan ng mga local government at ng DOTr.

Dagdag pa ni Pialago, patuloy naman ang iba pang decongestion programs ng MMDA, tulad ng araw-araw na paglilinis sa sidewalks at secondary roads malapit sa EDSA.

Umani naman ng sangkatutak na batikos mula sa mga netizens ang nasabing 2-day number coding scheme.

 

 

 

 

TAGS: 2-day color coding scheme, dotr, Metro Manila, mmda, traffic, 2-day color coding scheme, dotr, Metro Manila, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.