‘Zyzzyva’ bagong salita na napasama sa Oxford English Dictionary

By Justinne Punsalang June 28, 2017 - 10:49 AM

Nasa 600 bagong mga salita ang napasama sa edisyon ng Oxford English Dictionary.

Sa kanilang June 2017 update, isa sa 600 bagong salita ay ang ‘zyzzyva’ na nangangahulugang tropical weevils o uri ng insekto na makikita lamang sa South America.

Ang ‘zyzzyva’ ay salitang ibinigay ni Thomas Lincoln Casey, isang entomologist mula sa Estados Unidos para ilarawan ang nasabing uri ng insekto.

Kasama sa mga bagong salita at phrases na inilabas ng Oxford English Dictionary ang ‘post-truth’, ‘Brexit’, ‘forced error’, ‘chip and charge’ at ‘career slam’.

Ang zyzzyva ang kasalukuyang pinakahuling salita sa nasabing diksyunaryo.

 

 

 

 

 

TAGS: oxford dictionary, tropical weevils, Zyzzyva, oxford dictionary, tropical weevils, Zyzzyva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.