Tatlong empleyado ng bangko na nahulihang may bitbit na P32M, irereklamo na sa piskalya

By Ricky Brozas June 28, 2017 - 10:45 AM

FILE PHOTO

Ipaghaharap na ng reklamo sa piskalya ang tatlong empleyado ng bangko na hinarang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Lunes matapos matuklasang may bitbit silang P32 million na dadalhin sana sa Cebu.

Ang tatlo na pawang empleyado ng UCPB, ay dadalhin sa Cagayan De Oro City Prosecutors Office.

Batay sa ulat ni Captain Leo Panopio, commander ng Philippine Coast Guard Station sa CDO, ipauubaya na nila sa piskalya ang disposisyon sa asunto.

Una nang sinabi ng UCPB bank manager na lehitimo ang pagbibitbit nila ng nasabing mga salapi.

Gayunman, sinabi ng Coast Guard na kaduda-duda ang pamamaraan ng pagbiyahe sa nasabing pera na inilagay pa sa apat na Styrofoam box.

Umapela naman sa publiko si Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG na agad ipaalam sa mga otoridad ang mga kahalintulat na transaksyion, upang makapagbigay pa ng sapat na seguridad ang gobyerno lalo’t naghihigpit ang pamahalaan dahil na rin sa umiiral na martial law sa Mindanao.

 

 

TAGS: bangko central, Cagayan De Oro City, philippine coast guard, provincial news, UCPB, bangko central, Cagayan De Oro City, philippine coast guard, provincial news, UCPB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.