Justin Bieber, may concert muli sa Pilipinas

Balik Pilipinas si Justin Bieber para sa kaniyang concert na magaganap sa September 30, 2017.

Ang concert na bahagi ng “Purpose World Tour” ng pop icon ay gaganapin sa Philippine Arena.

Ayon sa MMI Live, simula sa July 9, 2017 ay mabibili na ang tickets sa SM tickets.

Nasa P17,850 ang pinakamahal na ticket at P1,575 naman ang pinakamura.

Ang “Purpose World Tour” ay bahagi ng promosyon ng bagong album ni Bieber.

Kabilang sa mga awitin sa kaniyang “Purpose” album ang “Love Yourself” at “Sorry”

 

 

 

 

 

Read more...