Biyahe ng MRT nakapagtala ng magkasunod na aberya

Muling nakaranas ng aberya ang mga pasahero sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Miyerkules ng umaga (June 28).

Sa abiso ng MRT sa kanilang Twitter, unang naitala ang aberya alas 6:26 ng umaga.

Itinaas ang category 3 sa status ng biyahe ng mga tren at pinababa ang mga pasahero sa southbound ng Ortigas station dahil sa tren na nakaranas ng technical problem.

Samantala, alas 8:03 ng umaga, muling itinaas ang category 3 sa operasyon ng MRT dahil nagkaproblema muli ang isa nitong tren.

Ayon sa MRT, isang tren ang nagkaroon ng techncial problem habang bumibiyahe sa pagitan ng Buendia at Ayala stations southbound.

Makalipas ang 15-minuto, sinabi ng MRT na pinababa na ang mga pasahero ng nasabing tren sa bahagi ng Ayala station.

 

 

 

 

Read more...