Pag-aaway dahil sa plato, nauwi sa pananaksak sa Makati

By Jong Manlapaz June 28, 2017 - 08:19 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang construction worker matapos saksakin ng kaniyang kasamahan sa Makati City.

Nakilala ang biktima na si Kevin Lampitoc na dead on the spot makaraang saksaksin ng kaniyang kapwa construction worker sa Yakal Street, Barangay, San Antonio.

Ayon sa mga testigo, nag-away si Lampitoc at ang suspek dahil sa plato.

Nagalit umano ang suspek dahil ginamit ni Lampitoc ang kaniyang plato nang hindi nagpapaalam.

Lasing umano ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

 

 

TAGS: crime, makati city, metro news, Plate, Radyo Inquirer, stabbing incident, crime, makati city, metro news, Plate, Radyo Inquirer, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.