7,000 undocumented Pinoy’s naiwan pa sa Saudi

By Jay Dones June 28, 2017 - 04:22 AM

 

Inquirer Photo-Leila Salaverria

Nasa 6,000 pang mga overstaying Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia ang nabigo na boluntaryong bumalik sa bansa sa takdang panahon na ibinigay sa kanila sa ilalim ng amnesty program ng kaharian.

Batay sa tala, nasa 12,000 Pinoy sa Saudi ang nagparehistro para sa repatriation program na nagsimula noong March 29.

Sa kabuuan, nasa 5,122 na mga Pinoy sa Saudi ang nakabalik na ng Pilipinas matapos magbigay ng 90-day amnesty ang Saudi Arabia para sa undocumented workers kaya’t nasa 6,000 pa ang namamalagi doon.

Gayunman, paliwanag Department of Foreign Affairs, hindi naman ikukulong ang mga ito at sa halip, sila ay isa-isang pauuwiian sa bansa sa oras na makapagbayad na ng kani-kanilang mga utang.

Sa kasalukuyan, opisyal nang nagtapos ang 90-day amnesty ng Saudi Arabia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.