Mayweather target na muling makaharap ni Pacquaio

By Justinne Punsalang June 27, 2017 - 04:59 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Hindi pa man nagsisimula ang welterweight title fight ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao laban sa Australian na si Jeff Horn, pinaplano na ni Pacman ang kanyang susunod na laban at ito ay rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay coach Freddie Roach, kung mananalo ang kanyang alaga laban kay Horn, isa sa sa mga inaasahang susunod na laban nito ang muling makipagsagupaan kay Mayweather sa loob ng ring.

Dagdag pa nito, kritikal ang parating na laban ni Pacquiao kay Horn upang ma-secure ang isa pangalawang superfight nito kay Mayweather dahil kailangang impressive para sa kanyang makakalaban ang recent records ni Pacman.

Nang tanungin naman ang Pambansang Kamao, mas iniisip muna niya sa ngayon ang nalalapit na laban.

Aniya, kung bibigyan ng pagkakataon, hindi nito tatanggihan na muling labanan si Mayweather.

Sa July 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia gaganapin ang Pacquiao vs Horn fight, habang si Mayweather naman ay haharapin ang mixed martial arts champion na si si Conor McGregor sa Agosto.

TAGS: Australia, Freddie Roach, Jeff Horn, manny pacquiao, mayweather, Australia, Freddie Roach, Jeff Horn, manny pacquiao, mayweather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.