5 miyembro ng pamilya, patay sa pananaksak sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo June 27, 2017 - 12:35 PM

Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa masaker na naganap sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Natagpuang walang buhay at may saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan sa North Ridge Royal Subdivision sa Barangay Sto. Cristo.

Kabilang sa nasawi ang isang lola, ang ina na nakilalang si Estrella Dizon, 35-anyos at tatlo niyang anak na 13-anyos, 11-anyos at isang taong gulang.

Ayon kay Supt. Fritz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte City Police, may posibilidad na pinagsamantalahan ang lola at inang biktima.

Walang nakitang senyales ng forcible entry sa bahay ng mga biktima.

Ang ama ng tahanan ang nakatuklas sa sinapit ng kaniyang mag-anak nang umuwi siya sa kanilang bahay pagkagaling sa kaniyang duty bilang security guard.

 

 

 

 

TAGS: massacre, san jose del monte bulacan, massacre, san jose del monte bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.