Ilang kliyente ng BDO, iniulat ang panibagong insidente ng unauthorized transactions

Iniimbestigahan ng BDO Unibank Inc. ang panibagong ulat ng mga umano’y unauthorized transactions sa ilang accounts ng kanilang mga kliyente.

Ayon sa BDO Corporate Communications Department, tinitingnan nila ang mga report at magbibigay sila ng pahayag kapag may resulta na ang imbestigasyon.

Ngayong araw ay ilang netizens ang nagsabi na may mga unauthorized transaction sa kanilang mga accounts.

Ang bagong insidente ay kasunod ng pangyayari noong June 16 nang makatanggap ang bangko ng mga ulat na posibleng nakompromiso ang ilang ATM accounts.

Ito ay matapos na magreklamo ang ilang cardholders na may iligal na withdrawal sa kanilang accounts.

Sa pagdinig ng senado noong nakaraang linggo ay inamin ng mga opisyal ng bdo na pitong atm ang nakompromiso ng skimming scheme.

Nangako naman ang bangko ng reimbursement sa mga halaga na nawala sa mga account ng kanilang mga kliyente.

 

 

 

 

Read more...