Pangulong Duterte, inaasahang pangungunahan ang Eid’l Fitr celebration sa Malakanyang

By Isa Avendaño-Umali June 27, 2017 - 08:40 AM

Makalipas ang ilang araw na pahinga, may schedule na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa abiso, pangungunahan ng presidente ang Eid’l Fitr o Hari Raya celebration na gaganapin sa Malacañan Palace alas 7:00 ng gabi.

Nabatid na imbitado rito ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Inimbitahan din ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Nauna nang binanggit ni Duterte na isusumite na ng MILF ang panibagong draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL, kasabay ng Eid’l Fitr.

Huling nakita si Duterte nang dumalaw siya sa mga sugatang sundalo sa Cagayan de Oro.

Pero noong sumunod na araw ay hindi walang opisyal na iskedyul ang pangulo, at hindi siya nakita ng publiko at media.

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro basic law, hari raya celebration, Palace, Rodrigo Duterte, bangsamoro basic law, hari raya celebration, Palace, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.