Bahagi ng Quezon City, pitong oras mawawalan ng kuryente
Makararanas ng pitong oras na power interruption ang ilang bahagi ng Quezon City mula Martes (June 27) ng gabi hanggang Miyerkules (June 28) ng umaga.
Sa abiso ng Meralco, magsisimula ng alas 11:00 gabi at tatagal hanggang alas 6:00 ng umaga ang interruption.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Katipunan Avenue mula sa Aurora Blvd. kabilang ang Esteban Abada Street sa Barangay Loyola Heights, Quezon City.
Apektado rin ang bahagi ng Aurora Blvd., mula Katipunan Avenue sa bahagi ng Good Shepard Sisters at St. Briget School sa Barangay Loyola Heights.
Ayon sa Meralco mayroon silang reconductoring works sa bahagi ng Aurora Blvd. at Katipunan Ave.
Samantala, maiksing power interruption naman ang magaganap sa iba pang lugar sa Katipunan Ave. at Aurora Blvd.
Apektado ng dalawang beses na 30-minutong brownout ang Meralco – Marikina substation mula sa Real Monasterio De La Purisima sa Bgy. Loyola Heights at ang bahagi ng J. P. Rizal St. sa Alta Vista Subd. sa Barangays Bagumbuhay at Loyola Heights mula alas 11:00 hanggang alas 11:30 ng gabi at mula alas 5:30 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules.
Mula alas 11:00 hanggang alas 11:30 din ng gabi ang power interruption sa SMDC Blue Residences sa kahabaan ng Aurora Blvd.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.