Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinapatay na ng Maute Group ang kanilang sariling mga kasamahan na gusto nang sumuko sa mga awtoridad.
Pero ayon kay AFP Public Affairs Office chief Marine Colonel Edgard Arevalo, patuloy pa nilang bineberipika ang naturang ulat na tungkol sa unti-unti nang pagkakabuwag ng grupo.
Sa ngayon aniya, malinaw na nagkakaroon na ng problema ang Maute Group sa kanilang pamunuan.
Dagdag ni Arevalo, hindi lang sa leadership nagkakaroon ng problema ngayon ang Maute Group kundi maging sa kanilang command at control.
Ayon kay Arevalo, isa si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa mga tumatayong lider ng Maute Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.