Mga biyahe ni Duterte, kaliwa’t kanang investments ang kapalit ayon sa Malacañang
Tanggap ng Malakanyang ang mga inaani nitong batikos kaugnay sa dami ng foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahit nakakaisang taon pa lamang ito sa pwesto.
Ayon kay Presidential Communiciations Secretary Martin Andanar, normal lamang na may mga puna ukol sa mga biyahe ng presidente.
Gayunman, sa halip na punahin ang mga biyahe at gastos para rito ng gobyerno, mas mainam aniya na tingnan ang benepisyong naidulot ng mga ito para sa ating bansa.
Batay aniya sa pagtaya ng Department of Finance, sa kada pisong gastos ni Duterte sa kanyang foreign trip ay P1,000 ang balik na mga investment at iba pang magagandang benepisyo.
Pagmamalaki pa ni Andanar, kung noon ay hindi masyadong napapansin ang Pilipinas sa international community, ngayon aniya ay pinag-uusapan ang Duterte administration sa buong mundo.
Nabuksan din aniya ang magandang relasyon ng Pilipinas sa pagitan ng iba’t bang mga bansa.
Dagdag ni Andanar, naibalik ng Pilipinas ang respeto ng ibang mga bansa dahil ipinamalas ng Duterte administration na kayang-kaya ng ating bansa na tumayong mag-isa at hind imaging sunud-sunuran ng mayayamang bansa.
Batay sa PCOO, naka-dalawampu’t isang foreign trips na si Duterte simula nang maging pangulo siya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.