Mga kumpanya ng langis, muling nagpatupad ng rollback

Sa ika-apat na sunud-sunod na linggo, muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, June 27, 2017.

Sa magkakahiwalay na anunsyo, magkakaltas ng 35 centavos sa presyo ng gasolina ang mga kumpanyang Jetti, PTT, Petron, SeaOil, Eastern, Flying V, Shell at Phoenix.

Epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw ang rollback ng mga naturang kumpanya, maliban sa Flying V na nagsimula na kanina pang hatinggabi, at Phoenix na kahapon pa nagpatupad.

May bawas naman na 20 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel ang mga naturang kumpanya.

Samantala, nagkaltas rin ng 20 centavos sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, Shell, SeaOil, at Flying V.

Read more...