Manila-Clark railway system, target ni Tugade na matapos sa 2020

By Kabie Aenlle June 27, 2017 - 04:44 AM

Inquirer Photo | Jovic Yee

Isinusulong ni Transportation Sec. Arthur Tugade na mabuksan na ang Manila-Clark line ng Philippine National Railway (PNR) pagdating ng 2020, o isang taon pang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Ayon kasi sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), inaasahang matatapos ang buong railway system sa huling quarter pa ng 2021.

Gayunman, hiniling ni Tugade sa mga opisyal ng Japan na tumutulong sa gobyerno sa pagpapagawa ng P255 bilyong halaga ng proyekto, na sana ay matapos ito ng isang taon na mas maaga.

Nais din ni Tugade na mabuksan sa publiko ang isang linya ng tren oras na mabuo na ang hindi bababa sa pitong sa 17 istasyon nito.

Ayon kasi kay Tugade, kung hihintayin pang matapos ang buong linya, tiyak na matatagalan ito.

Pero aniya, kung magkakaroon ng engineeringsystem na maari nang buksan “partially,” ay mas makabubuti para sa mga commuters.

Magsisimula ang konstruksyon ng Manila-Clark line sa huling quarter ng taong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.