Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

By Mariel Cruz June 26, 2017 - 10:01 PM

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang bayan sa Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa 34 kilometers northeast ng Burgos, Surigao del Norte, bandang 3:41 ng hapon.

May lalim ito na 12 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity IV sa Burgos, Surigao del Norte, Intensity III sa Tacloban City at Palo sa Leyte, at Surigao City.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Libjo, San Jose, Cagdianao at Dinagat Islands.

Pero sinabi ng Phivolcs na wala naman inaasahang pinsala at aftershocks na idudulot ang nasabing pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.