100-120 na miyembro ng Maute, nananatili sa Marawi – militar
Aabot na lamang sa mahigit isandaan na miyembro ng Maute group ang nananatili pa rin sa apat na barangay sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, hindi na lalagpas sa 120 na Maute members ang nagtatago pa rin sa Marawi.
Bukod dito, sinabi din ni Arevalo apat na barangay na lamang sa Marawi ang isasailalim sa clearing operations.
Samantala, naglalaro naman sa 150 hanggang 200 ang bihag na sibilyan ng Maute habang hindi bababa sa dalawampu’t pito ang napatay sa nagpapatuloy na bakbakan.
Ayon pa kay Arevalo, bineberipika pa nila ang ulat na may mga miyembro ng Maute na namugot ng ulo sa kanilang mga bihag.
Inaalam din aniya nila ang kinaroroonan ng binihag na pari na si Father Chito Suganob.
Una nang sinabi ni Joint Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera na nakitang buhay si Suganob.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.