Paliwanag ni Lorenzana, masyadong abala ang mga sundalo sa pakikipagbakbakan sa Maute group at walang ibang intensyon kundi labanan ang mga terorista na gustong gawing pugad ng kasamaan ang Marawi.
Kinukwestyon ni Lorenzana ang motibo at kredibilidad ng mga makakaliwang indibiduwal dahil malinaw na paninira lamang sa imahe ng sundalo ang layunin ng mga ito.
Ayon kay Lorenzana, sumailalim sa serye ng gender sensitivity trainings ang mga sundalo at nakapokus ang kanilang atensyon sa pag-respeto sa karapatang pantao ng bawat isa, empowerment, equity, freedom from violence at iba pa.
Hinahamon din ni Lorenzana ang mga nag-aakusa na maghain ng kaso sa korte kung totoong may ganitong mga pagbabanta ang mga sundalo sa mga babae sa Marawi City.
Bwelta ni Lorenzana sa mga nag aakusa, bakit patuloy sila na nagbubulag-bulagan sa mga krimen na ginagawa ng kanilang mga kabaro.
Payo pa ni Lorenzana sa mga kritiko, buksan ang kanilang isip at puso sa totoong nangyayari at huwag maniwala sa mga tsismis at fake news.