Humanitarian pause ng militar, “generally peaceful”ayon sa Palasyo
Generally peaceful ang Humanitarian Pause na ipinatupad kaugnay sa pagdiriwanag ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dahil sa Humanitarian Pause, narescue sa loob ng Marawi City ang nasa anim na sibilyan, kung saan unang nasagip ay isang senior citizen na may edad 79 anyos.
Narekober din ang bangkay ng isang sibilyan, na napaslang ng Maute terror group.
Ipinatupad ang Humanitarian Pause sa loob ng walong oras o mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon kahapon (June 25).
As of 7PM ng June 25, 2017, ini-ulat ni Abella na dalawampu’t pitong sibilyan ang napatay ng mga terorista mula nang sumiklab ang krisis sa Marawi; habang 1,702 na sibilyan naman ang nailigtas na ng gobyerno, lokal na pamahalaan at CSO.
Pumalo na sa 290 ang nasawing miyembro ng grupong Maute, samantalang pitumpung sundalo naman ang nalagas mula sa hanay ng pamahalaan.
Umabot naman sa 347 ang mga armas ng teroristang grupo ang narekober ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.