140 na public school teachers sa Marawi, bigo pang makapag-report sa DepEd

By Rohanisa Abbas June 26, 2017 - 12:21 PM

Nananatili pa ring unaccounted ang 140 public school teachers sa Marawi City mula nang pumutok ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng Maute terror group.

Ayon kay Assistant School Division superintendent Ana Zenaida Unte, sa 1,413 na guro sa naturang lungsod, hindi bababa sa 90% ang accounted for.

Sinabi ni Unte na hinahanap pa ang 140 guro na pinaniniwalaang lumikas sa labas ng mga lalawigan ng Lanao.

Aniya, hindi pa nakakapag-ulat ang mga ito mula noong May 23 kung kailan nagsimula ang kaguluhan.

Gayunman, nilinaw ni Unte na walang naipit sa war zone sa naturang bilang.

Dagdag niya, ilan sa mga hinahanap na guro ay napaulat na lumikas sa Davao City.

Ayon kay Unte, walang na nawawalang guro batay sa mga ulat na natatanggap nila.

 

 

 

TAGS: deped, Maute Brothers, public school teachers, deped, Maute Brothers, public school teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.