Isang delivery van na may kargang sardinas, tumagilid sa Congressional Ave. sa QC

Kuha ni Mark Gene Makalalad

Tumagilid ang isang truck na may kargang kahon-kahong mga sardinas sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Sa lakas ng impact, warak ang bubong ng van at natapon din ang laman nitong mga delata.

Ligtas naman ang driver ng van na si Sofronio Palancao at ang pahinante nitong si Rafael Gaboa.

Ayon kay Gaboa, papunta sana sila ng Puregold Sucat pasado 5:25 ng madaling araw nang bigla na lang nag U-turn ang isang jeep na byaheng Tandang Sora.

Mabilis umano ang takbo ng jeep kahit na ito ay pa-U-turn dahilan para sila ay umiwas.

Nawalan ng balanse ang van sa kanilang pag-iwas dahilan ng kanilang pagtagilid.

Dahil sa nasabing aksidente, naabala ang daloy ng traffic sa lugar.

Kinailangan kasing ilipat ang kahon-kahong sardinas na lulan ng van.

 

Read more...