3 lalaki pinigil sa CDO, matapos makataan ng P30M cash sa bagahe
Pinigil ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong lalaki na nagpakilalang mga empleyado ng bangko.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Coast Guard Commander Armand Balilo na bitbit ng tatlong hindi pa pinangalanang lalaki ang P30 milyon.
Ang kaduda-duda pa ayon kay Balilo ay sa apat na Styrofoam box inilagay ang mga pera.
Pasakay sana ng barko at patungong Cebu ang mga pasahero.
Nagpakilala umano silang empleyado ng isang bangko at ngayon ay sumasailalim sa imbestigasyon sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Balilo na kung may sapat na dokumento at mapapatunayang balido ang kanilang pagbiyahe, pakakawalan din naman agad ang tatlo.
Kinakailangan lang aniya silang pigilin bunsod ng kaduda-dudang pamamaraan nila ng pagbiyahe ng malaking halaga ng pera, lalo’t naghihigpit ngayon ang mga otoridad dahil sa kaganapan sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.