Presyo ng manok at isda sa Nepa Q-Mart, tumaas

By Mark Gene Makalalad June 26, 2017 - 08:21 AM

Tumaas ng P10 hanggang P30 ang presyo ng manok at isda sa Nepa Q-Mart sa Quezon City.

Sa monitoring ng Radyo Inquirer, mula sa dating P140 kada kilo, nasa P150 na ngayon ang presyo ng bawat kilo ng manok.

Ang bangus naman na medium size ay P120 na ang kilo at P150 naman ang malalaki, na mas mataas kumpara sa P100 to P120 lamang dati kada kilo.

Ang presyo naman ng panggisa sa Nepa Q-Mart, ang sibuyas ay P60 hanggang P70 ang bawat kilo, ang bawang ay P120 hanggang P150 ang bawat kilo at ang kamatis ay P40 ang bawat kilo.

Sa presyo naman ng gulay, ang patatas ay mabibili ng P60 bawat kilo, ang petchay P70, ang reployo naman ay P60 habang ang luya ay mabibili sa halagang P60 kada kilo.

 

 

TAGS: fish, Market, meat, price, vegetables, fish, Market, meat, price, vegetables

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.