Mga kumpanya ng langis may rollback sa presyo ng produktong petrolyo
Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.
Ito na ang ikaapat na rollback ng mga oil companies sa loob ng apat na linggo ngayong buwan ng Hunyo.
Ang Phoenix Petroleum ang naunang nagpatupad ng rollback na epektibo alas 6:00, Lunes ng umaga, June 26.
Ayon sa Phoenix, bawas na 25 centavos sa kada litro ng diesel at 40 centavos sa kada litro ng gasolina ang kanilang ipinatupad.
Ngayong maghapon ay inaasahang mag-aanunsyo na rin ng parehong halaga rollback ang iba pang kumpanya ng langis.
Mayroon ding rollback sa presyo ng kerosene na maglalaro sa 20 hanggang 30 centavos.
Sa magkakasunod na rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis noong June 6, June 13 at June 20, umabot na sa P2.05 ang nabawas sa kada litro ng gasolina at P1.95 naman sa kada litro ng diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.