Mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, itinigil muna ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga opensiba sa lungsod bilang paggunita rin sa Eid’l Fitr.
Sinamantala ito ng mga rescuers para iligtas ang iba pang mga sibilyang trapped pa rin sa ilang bahagi ng Marawi.
Ayon kay Assistant Secretary for Peace Process Dickson Hermoso, limang sibilyan ang nailigtas ng mga rescuers kabilang ang isang sanggol na babae.
Ang ika-anim na sibilyan naman ay isang matandang lalaking kinilalang si Hassan Ali na na-stroke anim na linggo na ang nakalilipas, ay nasawi na bago pa man ito ma-rescue.
Gayunman, pagpatak ng alas-2:00 ng hapon, agad na nanumbalik ang mga putukan at pagpapasabog.