Panukalang magdadagdag ng 20,000 na tauhan sa AFP, inihain ni Trillanes

By Kabie Aenlle June 26, 2017 - 04:57 AM

Naghain ng panukala si Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na naglalayong dagdagan ng 20,000 na bagong tauhan ang pwersa ng militar.

Layon ng kaniyang Senate Bill No. 1473 na pahintulutan ang pagdaragdag ng tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng recruitment at special enlistment ng Provisional Enlisted Personnel (PEP).

Paliwanag ni Trillanes, kailangan ito ng bansa dahil na rin sa mga banta sa seguridad na nangangailangan ng mas malaking pwersa ng militar.

Gayunman, batid na magiging problema dito ang pondo dahil sa pagsuporta sa pension at mga magiging pangangailangan ng military retirees.

Dahil dito, ipinapanukala niya ang bagong sistema ng recruitment ng enlisted personnel, kung saan ang 20,000 PEP na ire-recruit ay magsisilbi lang sa loob ng limang taon.

Pero, isasailalim pa rin aniya ang mga ito sa parehong training ng isang Regular Enlisted Personnel, at tatanggap ng sahod katumbas nito.

Pagkatapos ng kanilang pagsisilbi, mabibigyan ng training at educational benefits ang mga hindi mare-reenlist bilang Regular EP, at mabibigyang prayoridad sa hiring sa Civil Service partilular na sa law enforcement services.

Magiging miyembro din ang mga ito ng Government Service Insurance System (GSIS) para masolusyunan ang problema sa pondo sa kasalukuyang pension ng militar.

Para naman sa mga retirees na ngayon at active personnel ng AFP, mananatili pa rin ang kanilang dating pension system.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.