Dagdag singil sa taripa sa Manila North Harbour, aprubado na

By Kabie Aenlle June 26, 2017 - 04:54 AM

Manila North Harbour Port, Inc. photo

Inaprubahan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 24 pecent na dagdag sa singil sa taripa ng cargo handling sa Manila North Harbour Port Inc.

Sa kabila ng mga protesta ng kanilang mga kliyente, pinagtibay ni PPA general manager Jay Daniel Santiago ang Memorandum No. 4, kung saan nakasaad na ipatutupad ang dagdag taripa sa tatlong tranches.

Ang unang tranch na 8 percent na dagdag sa tariff rates ng MNHPI ay ipatutupad ngayong taon, habang ang dalawa pang tranches ay ipatutupad naman sa 2018 at 2019.

Unang nag-petisyon ang MNHPI ng 37.45 percent na dagdag sa taripa, ngunit matindi itong binatikos ng mga port stakeholders.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.