Metro Manila at ibang rehiyon, apektado ng thunderstorms – PAGASA

PAGASA PHOTO

Naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang lugar sa bansa.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang umiiral sa bahaigi ng:

Metro Manila na sakop ang Caloocan at Valenzuela.

Sa Quezon City naman partikular na uulanin ang Novaliches, Tandang Sora at North Fairview

Region 3 sa:

Bulacan
Tarlac
Pampanga
Bataan
Nueva Ecija
At ilang bahagi ng Zambales katulad ng Masinloc at Palauig

Region 4 sa:

Batangas
Quezon partikular na ang bayan ng Agdangan, at Unisan
Rizal partikular na ang bayan ng Rodriguez at San Mateo
Laguna partikular ang bayan ng Victoria
Habang sa Cavite naman ay uulananin ang Maragondon atTernate

Una nito sinabi na ng PAGASA na Sakop din ng 1 hanggang 2 oras na pag ulan ang:

Agusan Del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Misamis Oriental at Bukidnon.

Sakop din ng thundersorm advisory ang Iligan City sa Lanao delNorte na sakop ngayon ng bakbakaan sa Mindanao.

Ang North Cotabato, South Cotabato, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Sarangani, at Zamboanga delNorte naman pati ang kalapit lalawigan ay apektado rin ng inilabas na advisory.

Nagbabala naman ang weather bureau sa mga lugar na nabanggit na mag-ingat laban sa malakas na ulan at maging alerto sa banga ng posibleng flashfloods at landslides.

Read more...