DENR-6 Nagbabala na sa parating na El Niño

August 28, 2015 - 04:53 AM

 

el-ninoNagbabala ang Department of Environment and Natural Resources Region-6 (DENR-6) sa mga lokal na pamahalaan sa Kanlurang Visayas, dahil sa posibilidad nang kakulangan sa tubig ngayong darating na Oktubre, dulot ng El Niño.

Ayon kay DENR-Region 6 Director Jim Sampulna, hindi na kailangang hintayin ang mga ilog, at mga katubigan na matuyo at mawalan ng pagkukunan ng tubig.

Sinabi pa niya na mataas ang tyansa na matuyo ang siyam na dam sa rehiyon, na may kabuuang lakwak na humigit kumulang 132,000 ektarya.

Sinimulan na ng DENR-Region 6 ang kampanya sa pagtitipid ng tubig para sa mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, IloIlo at Negros Occidental, upang maghanda at magsagawa nang nararapat na aksyon. /Stanley Gajete

TAGS: DENR, El Niño, DENR, El Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.